Nagseselos? Ngii!

Posted on February 19, 2012


One day, isang araw.. napanaginipan ko si James McAvoy. Matagal ko na yang celebrity crush. Una ko syang napanood sa pelikulang Penelope, opposite Christina Ricci. Single pa sya dun. Binatang-binata.. at gwapo! Tapos 1979 siya pinanganak.. So hindi magkalayo ang edad namin. Meaning, pwedeng maging kami. LOL.. ASA?!

Anyway, nung isang gabi lang, napanaginipan ko ulit si James. Mga royal guards daw kami ng isang prinsesa. Parang, we would give our lives to protect the princess. Parang ganun ang drama. pareho ng story ng Fushigi Yuugi? Si Tamahome at Miaka? Yun yun! Tapos, nagkainlaban daw kami. Hihihi.. Kinilig ako, kahit sa panaginip lang yun. Pagdating ng umaga, pinanood ko agad yung movie ni James na Penelope. Pati na yung Narnia, kung saan siya si Mr. Tumnus. After nun, nanood ng Xmen: First Class. Biglang na-obsess ano? Hindi nakuntento.. ayun, gumawa na ng blogpost sa Blogger blog.

Gusto ko lang ipaalam sa mundo na kras na kras ko talaga si James McAvoy.

Pero kainis lang talaga. Married na kasi sya. Happily married… at meron na silang baby. Hindi kagandahan ang asawa ni James, pero I honestly like ker. Kahit na selos na selos ako, gusto ko siya. Kasi hindi sya barbie doll. Kasi yung iba dyang mga artista, sobrang ganda. Like grabe ang kaseksihan, ang kinis ng mukha.. perfect, bah. Si Anne Marie kasi, she looks human, as compared to those who look like porcelain dolls.

Pero oo, nagseselos pa din ako. LOL.. Dami kong pinanood na episodes ng Shameless sa YouTube. Bida kasi dun si Anne tsaka si James. Tapos meron pang mga interviews. Lintek lang talaga.. selos na selos ako. Waaaaaaah! Ang sakit sa heart! LOL.

Why do all the gorgeous guys have to be married? Awts.. Kainis. Parang hindi tamang pagpantasyahan…..

 

 

 

 

 

HAHAHAHAHAHAHA! Natatawa ako sa sarili ko.. Hekhek.. :p

 

 

Dito sa videoclip na to, ang cute cute nya. hihi.. It’s a scene from the movei, Penelope. ♥

 

Advertisements
Tagged:
Posted in: Idols, Me