Wtf?!

Posted on January 24, 2012


Nung nag-join ako sa isang Facebook blog group, unti-unti akong na-introduce sa iba’t ibang blogs and bloggers. Meron dyang mga personal blogs, pero mas madami ang mga blogs na nag-iinform at nagooffer ng mga tutorial at SEO tips.

Minsan din, daming mga discussion sa group wall. Daming exchange of ideas.. ang sarap magbasa. Isa sa mga tips na ibinigay nila ay iopen o i-activate ang anonymous comments. Kaya ayun, iniactivate ko ang anonymous comments sa blog ko kasi dami din ang nagsuggest (thru email, fb messages and kontakr). Mas makaakatulong daw ito sa mga readers na gustong magkomento pero wala namng mga Google accounts.

Eh di yun na, na-activate na. Two days ago lang yata yun. Then kaninang umaga, binuksan ko ang email inbox ko. Daming anonymous comments. Binuksan ko naman agad ang post. Sa isip ko lang.. “baka spammer lang to”. Binasa ko.. ay hala? bakit ganun ang mga comments nya?

 

 

Oookaay. Hindi na nakakatuwa. Nakakainis na. Kaya naisip kong ideactivate na lang ulit ang anonymous comments. bleh!

Akala ko tapos na, hindi pa pala. Sinundan talaga ako sa Facebook. Dun naman sunod-sunod na nagkomento sa Facebook page ko. Hinanap pa talaga at dun tumambay sa albums. Sabi daw, ako yung Dinagyang Queen? Ngii! Okay sana kung totoo, eh hindi naman. blah!! Tapos, sabihin daw bah..”Looks like Im your one and only”?!?! WTF?!?!

 

 

Nami eh. Di ta ka gani kilala, amo na na mahambal nya sakun? Hambalun ya nga sya kuno akun one and only? Damgo eh. Nugay-i na da, manong.. abe ya guro nami mga banat ya.. ahay. Ulo nya eh.

And ending. BLOCKED. blleeeeh!!!

 

 

Advertisements
Posted in: Rants