Christmas Party

Posted on December 12, 2011


Nitong nakaraang Hwebes, nagmeeting ang mga estudyante dito sa bahay. Gustong mag Christmas Party. No problem. Masaya to! Food and games! Party!!

Ayun, nag meeting na.

Nag suggest ng place. Saan daw ba maganda maghold ng party? Yung malapit lang daw.. tsaka swak lang sa budget.

Daming gustong sa beach mag party. Wait..

Sa beach? Seryoso? Hmm.. kung sa beach, kelangan nyo magrent ng sasakyan. Magrent ng cottage. Magbayad ng kung anu-anong fees. Eh nahihirapan na nga kayong magbayad ng rent ng bahay, gastos sa party pa kaya?Okay. Sige.

Tahimik lang din ako. Hehe. Masaya nga din naman kapag sa beach. Syempre, beach bum din ako eh.

Pinag-usapan na ang pagkain. Yung iba, gusto ng lechon manok. Yung isa, nag suggest ng isang buong lechon baboy. Huwat?! Gravity..

Dami pang pagkain, hindi ko na maalala yung iba. Pero ayaw daw nila ng bihon, canton o spaghetti dahil mag-iinuman daw sila. Hindi ko un na-gets, promise. Ano bang konek?

Sa desert naman, gusto nila mango float. Meron din ata akong narinig na nagsuggest ng creme brulee? Totyal! O baka mali lang pakakarinig ko..

Yung pinakahuli (pero pinakaimportante.. DAW) eh yung drinks. Ayaw daw nila ng The Bar.. Nagkaintindihan na silang lahat. Basta daw, ayaw nila ng The Bar. Kelangan daw, lahat sila malasing.

Hala.. Christmas party? Parang isang beach party lang ah..

Nabasa ata ng isang bagets ang iniisip ko. Sabi nya “Parang normal party lang to. Kelangan nating magkaroon ng theme! Dapat lahat tayo, united sa theme. Ano bang magandang theme?”

Sumagot yung isa.. “Christmas nga!”

Nagtawanan ang lahat.. tapos..

Katahimikan….

“Magdadala ba tayo ng Christmas lights?”

Wala nakong masabi..

 

……

 

Update: Hindi rin natuloy ang party sa beach. Dito lang din sa bahay nagcelebrate. Oh see! hehe.. At nareceive ko na din ang aking gift. Monita-monita, under 50pesos lang kami.. Weeee! Hindi kami nagkukuripot. Practical lang.. puro pa kami students and mga kasama ko dito sa bahay. Kakahiya namang magdemand ng 300peso gift. LOL. Very nice naman ang gift ko – headset. :D Aylabet!

Advertisements
Tagged:
Posted in: UPV