All is Well.

Posted on December 10, 2011


Nitong nakaraang linggo, daming bad vibes. Ngayon, eto na. Good vibes!

Una. Okay na kami ng tatay ko. Binilhan nya ko ng isang kilong lansones nung pumunta sya ng city eh. Pasalubong nya sakin. Ang sweet. Hihi. Thank you, tatay! :D

Pangalawa. Okay na rin kami ng nanay ko. Binilhan ako ng shoes! Dalawang pares pa! Omegad! Ang mahal nun, pero ang gaganda! Thank you nanay!! :D

Pangatlo. Okay na okay na kami ng taong to.. hihi. Nasabi ko dati, gusto ko nang maging single ulet. Pero dami pa ring “benefits” (LOL. Benefits talaga?) ang hatid ng isang relasyong merong jowa. Haha! Aylabyu, honey! Mwah, mwah! :)

Pang-apat. Okay na rin kami ng lalaking to.. sa wakas! Sa wakas! Ambigat sa damdamin.. Angsakit nung hindi kami nagpansinan. Dedma talaga. Pero im so happy, okay na kami ngayon. Weeeee! Mayakap kitang loko ka eh! Pinaiyak mo na naman ako! :P Namiss kita! Thank you, okay na ulet tayo. :)

Panglima. Medyo hindi pa kami okay ng kaibigan kong to.. pero papunta na dun, syempre. Nagsorry na naman ako. Nag sorry na rin naman sya. Pero hindi pa kasi kami nagkausap talaga. Pumunta pa kasi ng Thailand.. Hihintayin ko ang kanyang pagbalik… :)

4 out of 5? Ayos na yun.. Magiging 5 out of 5 rin to.. soon.

Hay. Ang ganda lang ng mood ko ngayon. Good vibes lang. :))

Advertisements
Tagged: , , , ,
Posted in: Me