Dumangas experience..

Posted on January 11, 2012


Sunday. Alas dyes ng umaga. Ang sarap sarap pa ng tulog ko. Hindi ko na maalala kung ano ang panaginip ko nun, pero sigurado akong maganda yun. Tapos may narinig na lang ako… “Peeeep! Peeeep!” Silbato yun ng sasakyan namin ah. Akala ko parte pa ng panaginip ko yun.. hindi pala. Bigla akong napatayo at nagmumog. Nakita ko, naglalakad sa pathway patungong bahay.. si nanay, si tatay.. at may iba pang tao na hindi ko masyadong namukhaan (malayo pa kasi!)…

Pumasok sila sa bahay.. Dun ko na nakilala. Ang mga cousins ko pala na taga Negros! Uuwi na sila ng Negros at ihahatid sila ni nay at tay dun sa Roro pier. Ayun, kumustahan muna.. tapos tanong ni nanay.. “Ne, akala ko ba sasama ka. Bakit hindi ka pa nakabihis?”

Asus! Kakagising ko nga lang… “Ay.. bagong gising lang po ako nay..’

“Hindi mo ba natanggap yung text message na pinadala ni tatay mo??”

“Hindi po eh. Naka off po yung cellphone ko.”

“Aysus! Anong silbi ng cellphone mo kung lagi na lang naka off?”

May point si mother dear! Haha.. “Eh kasi po, na empty yung battery. Hindi rin marecharge kasi nga brown out.”

Sumagot si tatay.. “Haha! Ganyan talaga yan. Kung hindi naka off ang cellphone, walang load. Diba, Ne?”

“Hahaha! Opo!” Nagkakaintindihan talaga kami ng tatay ko. hihi.

Eh ayun na, alasdyes na yun. Tanong ko ke cousin.. “Eh pano na, hindi na lang ako makakasama kasi hindi ako nakapaghanda. Hindi pako naliligo eh.. Kakagising ko lang kasi, ate.”

Sagot ni ate.. “Eh maligo ka na, hintayin ka namin.”

Weh? Hahaha! VIP na naman ako? LOL.. Ayos lang maghintay sila konti. Mabilis lang naman ako maligo. 30 minutes lang siguro, nakaligo’t nakabihis nako. :P

Umalis na kami. Dumaan muna ng gasoline station at nagpakarga. Saktong alasdose yung pagdating namin sa bahay ni Kuya. Dun kami nananghalian. Syempre, andun ni Sophia at Ysabel, naghihintay. Picture-picture muna, tapos kumain. Sarap-sarap naman ng ulam.. lechon manok. Yum! Meron pang ice cream! Weeee!

After kumain, umalis na din kami. Yung Roro pier kasi, sa Dumangas pa. Hindi pako nakakapunta ng Dumangas, pati sila nay at tay. Perstaym, kumbaga. So ayun, nagtanong-tanong lang kami sa mga tao sa daan kung saan banda yung Dumangas port.. kung saan kami dadaan. Ayun, adventure. At ang layoooo!! Wow. Akala ko malapit lang, malayo palang talaga! Sus.. kung ako pupunta ng Negros, hindi ako magro-Roro. Nakakapagod ang byahe, papunta palang ng pier. Jeez! Hindi ko keri. Char. Orti long..

Mga alasdos ng hapon, nakarating kami ng Roro pier. Dumiretso na rin sila cousins at Tita sa barko.. paalis na kasi. So ayun. Nag wave goodbye na.. beso-beso. hihi. Charot!

Eh di, uuwi na kami. Biglang tanong ni nay kay tay “Ling (short for darling.. ang sweet! Char.), aabot pa ba yung gasolina natin pauwi? Kasi diba 10 liters lang yung kinarga kanina. Akala ko kasi, malapit lang.. ”

Nawala ang smile ko.. Tiningnan ko yung fuel gauge. Ay hala.. yung linya, nasa E na yata?!?! EMPTY. Omegad! Konti na lang pala yung karga nito..

Worst case scenario agad. Kung mawalan ng karga yung sasakyan, eh di stranded kami. Tatlo lang kami. Hindi pa namin kabisado ang lugar. Hindi mabahay ang lugar.. Konti lang din ang mga dumadaan na sasakyan. Kung bibili si tatay ng gasolina sa “banwa”, eh di maiiiwan kami ni nanay sa sasakyan. Malayo-layo pa naman daw ang town proper. Tapos, papunta pa naman ng hapon.. gabi. Tapos dami daw kasing… lumilipad sa lugar na to. Waaaaah!!!

Erase!

Sagot si tatay.. “Aabot pa yan. Siguro. Hanap tayo ng pinakamalapit na gas station.”

Ayun! Naghanap. Habang nasa loob ng sasakyan, nagpe-pray din ako. “Sana hindi kami maubusan ng gasolina. Sana.. sana. Please, wag naman sana…”

At hindi nga! Yey! Dumating kami ng Dumangas town proper, meron pang karga ang sasakyan. Wee! Nakahanap rin ng gasoline station. PETRON. Hehe. Nagpakaraga, syempre. Di ko alam kung ilang litro yun. Basta ang importante, nagpakarga na. Yey! Ayun, umuwi na kami.. Medyo kabado pako nang konti nun, pero nang andun na kami sa syudad at unti-unti nang nagiging pamilyar ang daan, nakahinga nako nang malulwag. Kung dito man kami maubusan nang gasolina, at least alam ko kung anong sasakyan pauwi.

Hay.. nastress ako dun nang slight ha. Ano ang lesson? Kelangan talagang ipa full tank na yung pickup namin. Hirap nang ganung sitwasyon.. nawiwindang ka sa kakaisip na baka maubusan ng karga ang sasakyan mo at ma-stranded ka in the middle of nowhere.

Nakakapraning! Char.. :P

Advertisements
Tagged:
Posted in: Me, Parents