Hay, Sophia.. ♥

Posted on December 19, 2011


December 17. Birthday party ng pamangkin ko (my 1st cousin’s daughter). 7th birthday ng only daughter, only child..  kaya bongga ang handa. Sa isang beach resort ang venue. Ala-una ng hapon ng umpisa ang party. Syempre, andaming food. At dahil kids party, meron ding magician at clown. Ang saya.. feeling ko, naging bata din ako. LOL. Feeling ko lang.. :P

Alas5 ng hapon, kelangan na naming umuwi. Kasama namin kasi ang Lola, kaya hindi pwedeng magpagabi sa party. So ayun, nakahanda na ang lahat. Last minute, ayaw akong pauwiin ng mga cousins ko. Eh ako naman, kahit na walang dalang extra na damit, GO ako. Manghihiram na lang ng damit pantulog ke Ate, at bibili na lang ng bago dun sa malapit na mall. Ayun na.. nagpaalam nako ke nanay at tatay. Ayos!

Biglang umiyak tong si Sophia. “Tita Nene! Tita Nene!!!!” Sus! Sumigaw! Kelangan daw akong sumama sa pag-uwi.

Nilapitan ni ate ang bata.. Baka sakaling maconvince pa.. “Dito na lang si Tita Nene. Meron pang bonfire activity mamya sa beach, so mag–eenjoy pa si Tita ha. At dami pang bisita ang darating. Dito muna sa amin si Tita ha, baby Sophie..”

“Tita Nene! TITA NENE!!!!! TITA NENEEE!!!! *ubo ubo*”

Lagot. Inubo na… Waley.. Sumakay na lang ako ng sasakyan para matigil ang iyak. “Oh eto na ako.. sasama nako sa pag-uuwi.”

“Tita Nene.. Batchoy tah?”

LOL. Si Sophie talaga ooh.. :P

Advertisements
Tagged:
Posted in: Me