Twitter

Posted on December 4, 2011


Ang gulo ko lang.

Ilang beses na ba akong nagchange ng username sa Twitter.. then ibabalik ko din sa dati. Ilang beses na bang gumawa ng bagong Twitter account? Then ide-delete din. Hehe.. Topakin talaga tong si Leah. Ano nga ba kasi ang mga rason kung bakit gumagawa ng isa pang account sa Twitter? Hindi pa kuntento sa isa, Leah?

Ang sagot.. gusto ko lang kasi.. iba yung para sa blog updates ko at iba din yung personal account ko. Madalas kasi akong pinagsasabihan na ang daldal ko lang sa Twitter. Ayun, dami na din sigurong naiinis sa akin dun. Haha! Kaya naisip ko lang siguro mas maayos pag iba yung personal.

Ang gulo ko lang. Hihi..

P.S.

Yung last post ko, pasensya na. Sa nag DM sa akin sa Twitter, may similarities lang sa estorya yun. Pero ibang sitwasyon yun. Yung sa DM mo po, naenjoy ko naman yun. Etong isa, wala tlga. Like ZERO. Eto na, sasabihin ko. Yung nangyari kasi, inimbitahan si Eric sa isang birthday party at isinama ako. Tatlo dapat kami ni Dylan, kaso hindi pwede si Dylan dahil daming trabaho. Hindi ko kilala ang celebrant pero para kay Eric, sumama ako. Ilang oras lang pananatili ko dun. Dalawa lang yata.. Wala ako laging kasma. Iniiwan ako ni Eric. Hay. Naiiwan lang ako mag-isa sa bar. Sa bar tlga.. Parang ang sarap lang magpakalasing noh.. nag-iisa eh. Lols. Ayokong makipagplastikan kaya Eric kaya sinabi ko na uuwi na lang ako, since nag-eenjoy naman sya dahil kilala nya halos lahat na andun. Ayun, nagalit. Yun yun. Ayan po. hehe.. Sana naexplain ko na. Sa nag DM po, chat moko mamya sa G+ ha. Lols.

Advertisements
Tagged: , ,
Posted in: Me