Melancholic Me

Posted on December 3, 2011


Daming bad vibes na nasa paligid ko ngayon.. Di ko maintindihan. Feeling ko, napalibutan na ako.

Dalawang araw na yata akong nagtatampo sa isang kaibigan. At dalawang araw na ring ramdam ko ang tampo nya sa akin. Nasabi ko na sa kanya. Nagkausap na rin kami. Akala ko okay na.. pero parang hindi pa rin eh. Ramdam na ramdam ko pa din.  Umiiwas ata sya. Ngayon lang kami nagkaganito.. na kahit mag HI o mag HELLO, eh kelangang lagyan ng effort. Dati kasi, swabe lang. Hindi na kelangang ipilit. Ngayon.. iba na. :(

Nakakadepress.

Ang hindi ko lang kasi maintindihan.. kung bakit ako pa yung mali. Naging totoo lang ako sa nararamdaman ko. Mali ba yun? Kaibigan ko siya.. kaya hindi ako nakipagplastikan. Eh ano ang ini-expect nya.. sabihin kong OKAY ako, eh sa totoo eh hindi? Magkunwaring happy at magtatalon sa tuwa, kahit na sobrang nalulungkot ako? Tapos nung sabihin ko naman, sya pa yung nagalit? Kasi KJ daw ako? :(

Ang sakit-sakit lang. Naiiyak ako.

Sige. Yaen mo.. Next time, kung meron mang maging next time.. magkukunwari nakong happy. Magkukunwaring masaya. Kahit na malungkot, kahit na gusto ko nang maiyak. Smile lang ako. Ngingiti lang ako na parang tanga. Na kahit mammula na ang mga mata sa pagpigil ng luha, ngingiti lang pa din. Para sayo? Ang selfish mo lang. Pero sige.. :(

Yun ang masakit pa dito.. parang wala lang din sayo.

Alam mo.. alam ko na alam mo. May tensyon na sa pagitan nating dalawa. Pero feeling ko sayo, parang walang nangyayari. Ang galing mo lang ba magtago ng nararamdaman mo? O sadyang wala ka lang pakialam sa akin. Sabi nga ni Dylan, hayaan ko na lang daw. Kasi you obviously do not care. Ayokong paniwalaan yun. Ayoko. Pero sa isang parte ng utak ko, alam kong merong punto si Dylan.

Sino nga ba naman ako sa buhay mo.. :(

Advertisements
Tagged: ,
Posted in: Me