Seloso

Posted on December 2, 2011


10 years din akong merong jowa. Pero yung lalaking yun, hindi naman seloso. Napaisip tuloy ako sa komento ni bino.. “love ka kasi nya kaya siya nagseselos.” Omegad.. eh di ibig sabihin ba nun, hindi ako minahal ng lokong yun?

Hehe.. ang OA ko. Lels lang.

Actually, ang isyu hindi yung sa ex.. kundi sa current. Kinikilig naman ako sa tuwing nagseselos. Medyo hindi ko lang kasi nage-gets.. pati ba naman mga kaibigan ko, pinagseselosan? Okay lang sana kung meron ngang dapat pagselosan, eh sa wala eh.

Ano ba? Wala bang tiwala sa akin to?

Kanina lang meron na namang pagseselos na naganap. Haay.. kakatamad lang mag-explain sa isang bagay o pangyayari na hindi ko naman dapat iexplain.

Nakakasakal din pag sobrang selos. Mahal ko tong taong to.. Mahal na mahal nga. Pero pag ganitong sobra din na halos hindi ako makakilos.. napapaisip ako..

Gusto kong maging single ulet.

Advertisements
Tagged:
Posted in: Me