Bahala na

Posted on November 30, 2011


Oo. Passive person ako..

Tinatamad akong isipin masyado kung anong nangyayari sa buhay. Ang alam ko lang, merong reason yan. Nasa plano yan ni Lord. Wala akong karapatang kwestyunin kung anuman ang nangyayari. Ang magagawa ko lamang.. tanggapin at matuto.

Passive nga.

Kung anong mangyayari, yun na yun. So kung dito matatapos ang friendship natin, eh di sige.

Nagtampo ka na naman kasi. Pasensya na lang din. I said my piece na. I reached out sayo.. pero anong nangyari? Parang umiiwas ka pa yata..

Gumawa nako ng paraan para makapagusap tayo. Ako na nga ang lumapit para maging maayos ang lahat. Para maging ok. Para bumalik sa dati. Nag sorry na ako. Sincere yun. Pero ano ka, naginarte ka pa. Nakakatamad.

Hindi lang naman ako ang maysala. IKAW din naman eh. Pareho tayong nagkulang.. pareho tayong nagkamali. Bakit ba sa akin mo binubuntun ang sisi? Ang hirap lang kasi, maliit na bagay, pinapalaki mo.

Mali ba yung sabihin at ipakita ko yung totoo?

Ang labo, Eric.

Mahal ka namin ni Dylan. Mahal kita, alam mo yun, diba? Lagi kitang nami-miss. Kaya kahit ilang oras lang na nagtampo ka, nakakapanibago na. Tahimik buhay ko. Asan ka? Pero pag ganyang tampo-tampo ka agad.. at nagawa ko na yung mga dapat kong gawin.. bahala ka.

Yun na. Bahala ka.

Tinatamad akong maghabol.

Kung dito matatapos ang lahat, eh di sige. Go. Goodluck na lang. Yun lang, mahal kita. Sana ramdam mo kahit papano.

Advertisements
Tagged: ,
Posted in: Me