SMB

Posted on October 11, 2011


Ehem!

Pinakiusapan mo ang nanay mo na pumunta ng bahay para itanong lang sa akin kung andito pa ba’t buhay pa ang luma mong cellphone. Nahiya naman ang nanay mo, kaya pinakiusapan naman nya ang kapatid mo. Nahihiya pero walang magawa ang kapatid mo, kaya dinalaw ako dito sa bahay at tinanong tungkol sa cellphone.

Yun lang naman daw ang punta nya.. ang cellphone.

Weh.. Ows? Sure ba yan na yun lang? Di nga!

Hehehe.. Sorry naman, natatawa lang ako. Kasi.. Alam mo namang sira yung cellphone mo eh. Huli nating pagkikita, sinabi ko yun sayo. Sabi ko nga rin, ipapaayos ko’t ibibigay ko na lang kay nanay mo. Eh sabi mo, wag na lang. Ngayon.. eto?

Wala na yung cellphone mo. Binenta ko na yun. Wala kang ni isang lumang gamit dito sa akin.. :)

SMB, dude.

Maaaring sabihing ako’y assuming.. Eh ano pa nga ba ang magiging reaction ko? Wala nakong balita tungkol sayo, dahil hindi naman ako nakikibalita. Ngayon, nakikibalita yung kapatid mo, pinuntahan ako dito sa bahay nang dahil sa isang lumang cellphone?

Bumili ka na lang kaya ng bago.. hindi mo ba naisip yun? Bago pero murang cellphone.. bakit mo ba kasi pakikialam yung luma, eh pwede ka namang bumili ng bago? Ano yun.. sentimental value? Ngek. Sino niloloko mo? Kilala kita.. Wala kang ugali na ganun.. hindi ka sentimental. lol.

Hehe.. Nire-replay ko yung scene kanina, natatawa lang ako. Hindi ako natuwa, actually.. NATAWA talaga ako.. Unexpected lang kasi. Di ka na nga pumapasok sa isipan ko, kahit na pangalan mo.. tapos out of the blue, biglang dumating ang kapatid mo? Ngek.. ano yun? Drama? :P

Hay, eto na lang. Sasagutin ko na lang yung unasked question mo.. “I’m fine. I’m doing ok. I think I’m inlove. Not sure yet, pero I’m going there.. Ikaw? How are you?”

Ayan.. sagutin mo yan. Hehe..

Advertisements
Tagged:
Posted in: Me