Inuman

Posted on September 13, 2011


Wow.. Kids these days.

Umiinom din ako. Alam ko kung unti-unti nang naiimpluwesyahan ng alcohol ang utak ko. Alam ko kung unti-unti na akong nalalasing. Kaya pag ganun, stop na ako. Pero bakit ganun… yung mga kabataan? Kung uminom eh parang wala nang bukas?????

Yes, ako na ang ipokrita. Napagdaanan ko na to dati eh. Yung inum lang nang inum.. I didn’t think, I didn’t worry. Ang importante lang dati, yung makainum ko. Yung todo.. walang atrasan.. diretso.. walang tigil.. hanggang sa malasing.

Wala akong takot kung baka i-biglang-liko ako ng kasama ko sa inuman. Wala akong takot kung madukutan ako’t masaksak sa pag-uwi ko. Wala akong takot kung meron man akong makasalubong na rapist at mapagsamantalahan dahil wala nang pwersang lumaban. Walang takot… dahil lasing.

Yun ako dati.

At tong nakita ko ngayon.. nakakabwisit. :(

Girlpren to ng isang estudyante ko dito sa boarding house. Nitong gabi lang… roughly 30 minutes ago.. I was checking the lock sa aming main gate, nakita ko etong si girlpren dyan sa pathway namin. Mag-isa. Nakaupo lang sa lupa. Lasing. Umiiyak.

Maldita na kung maldita.. Hindi ako naawa. NAINIS AKO.

Ano ba yan??? Uminom, hindi naman pala kaya.. Tinawag ko si boypren sa loob. Nag-aaral yung isa. Eh wala na kaming choice, lasing tong si girlpren.. eh di pinasok na lang namin sa isang separate room para dun makapagpahinga. Grrr..

Naiinis ako… Kasi siguro… I see myself in her.. and I don’t like it! Wala akong karapatan.. pero grabeh. Parang gusto ko syang batukan. Parang gusto ko syang sampalin. Parang gusto kong suntukin para matauhan. Drink moderately nga, diba? Hindi ba niya kayang intindihin yun?

Oo na! Sabi ko nga diba! Ako na ang ipokrita.. Naiirita lang ako ngayon. Sori.

Advertisements
Posted in: Me, Society, UPV