Pare!

Posted on September 12, 2011


Mas okay tong ganito tayo, pare..

Sinubukan natin, pero hindi maganda ang naging resulta. Mas okay na tong magkaibigan tayo pero masaya.. kesa naman tayo nga, pero kumplikado naman. We tried naman.. hindi nga lang siguro swak.

Pero naniniwala pa rin naman ako sa destiny. Sabi nga ng mga matatanda.. “Kung kayo talaga, kayo talaga.”.. Hehe. Eh kung tayo nga, eh di tayo nga. Ganun lang naman kasimple yun..

Parang hindi pa ngayon ang tamang panahon eh. Ramdam ko sa aking mga bones. Pangit rin ang kalalabasan kapag pilit. Kaya mas okay na to.. Prendz tayo.

Magulo ba ako? Sensya naman.. Alam ko naguluhan ka. Pero thankful na rin ako at nasakyan mo ang kawirduhan ko.

Dun na lang tayo sa simple, okay. Ayoko ng komplikado.

Yung pwede kitang batukan at hindi ka mapipikon. Yung pwede mokong kurutin at hindi ako magagalit. Yung pwede kang makipagflirt sa ibang girls at hindi ako magseselos. Yung pwede akong tumanggap ng manliligaw at hindi ka magre-react.

Ganun.

Diba, mas simple yun? Hehe.

Oh ano na, pare? Tuloy pa ba ang Boracay trip natin? :)

Advertisements
Tagged:
Posted in: Me