Emo Friday

Posted on September 8, 2011


Parang bombang bigla na lang sumabog.. hindi ako handa. Nakakatakot pala.

Parang ulan na bigla na lang bumuhos.. wala akong payong. Nakakapanlumo pala.

Parang sampal na biglang dumapo saking pisngi.. akoý nagulat. Napakasakit pala.

 

 

Akala ko, okay ako. Hindi pala.

Nitong mga nakaraang araw, lagi na lang ako kinakabahan. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko lubusang mawari ang rason kung bakit mabilis ang tibok ng puso at malakas ang kaba sa aking dibdib.

Bakit kaya?

At may bigla lang akong naintindihan.

Pilit kong ikinubli.. pilit kong itinago. Ang isang bagay na sana ay matagal ko nang binitawan, pilit ko pa ring hinahawakan. Kailangan ko pa talagang marinig at mabasa ang mga salita mula sa isang kaibigan.. para akoý matauhan.

 

 

Ang lungkot ko ngayon.

Gusto kong magtago’t hwag muna magpakita.

May makakapansin kaya sa aking pagkawala? Ayoko nang bigyan ng sagot. Maiiyak lang ako lalo….

Advertisements
Posted in: Uncategorized