Lowbatt

Posted on August 28, 2011


Pagod.

Nanibago yata ang katawan ko. Ngayon lang din kasi nakapaglaktwasa na halos walang pahinga. Taong-bahay kasi ako eh. Lately lang nagkaroon ng kagustuhang gumala. Hindi sanay sa byahe.

Kaya eto, lowbatt. Ilang araw din kasing nagbyahe.. mula Davao, then uwi ng Iloilo. Tapos, isang araw lang, diretso naman ng Manila. Kakauwi ko lang din.

Habang nakaupo ako sa waiting area ng Cebu Pacific kanina, bigla lang akong sinumpong. Nainis.. nagmaldita nang slight dun sa binilhan ko ng Nestea..

Naidlip na rin. Napasarap ng tulog, kaya hindi namalayang boarding na pala.. ngek.  Pagod eh. Buti na lang din, ginising ako ng katabi ko (bagong kakilala) na papunta rin ng Iloilo. Kung hindi, eh waley.. dun nako matutulog sa airport.

Babawi talaga ako ng tulog. Tingnan nyo mata ko.. wawang bata.

Advertisements
Posted in: Me