Epekto.

Posted on July 31, 2011


Inatake na naman kagabi ng insomia kaya hindi makatulog.

Ilang baso na ata ng hot milk ang naubos ko. Nagbasa rin saglit ng aklat para antukin. Hindi inantok kaya nanood ng pelikula – yung drama, baka sakaling umepekto.

Nahiga na rin ako sa kama ko, nakapikit. Nagbilang na rin ng sheep. Syempre, turned off na rin yung room light. Yung night lamp ko na lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto ko. Naka off na rin ang laptop. Tapos, malamig ang paligid. Parang ang sarap-sarap matulog.

Pero FAIL. Ayaw talaga akong dalawin ng antok.

Kaya sabi ko.. “Sige na nga. Bloghop na lang ako. O dili kaya’y mag-karaoke sa youtube.” Eto na nga ang resulta.

Watda?

Hindi talaga ako songer. Lels.

Sa totoo lang, nung gradeschool at high school ako, lagi akong nananalo sa mga singing contests. Lagi pang perst. Super ganda ng boses ko dati eh. Myembro rin ako ng choir. Meron din akong mga voice lessons dati. Kada Sabado, meron akong practice. Pero ngayon ko lang napagtanto.. parang walang epekto yung mga lessons na yun. Nyahahaha!! FAIL. Di ko alam kung anong nangyari. Haha..

Hay nakow. Hindi talaga ako songer. IKR. Lels. Andaming mali-mali sa pagkanta ko. Andyan na nga ang lyrics, mali-mali pa rin. Eeek! Kulang na kulang sa praktis.

Aktwali, after kong nirecord tong video, biglang umulan. Oh ha! Pati ang langit, napaluha. Haha! Ultimate proof? Lels.

Advertisements
Posted in: Me, Music