Hindi ikaw yun.

Posted on July 29, 2011


Edwin. Ayan. Pinangalanan na kita. Wala namang nakakakilala sayo dito sa blogworld maliban sa akin.

Alam mo, ibang klase ka rin.

Natatawa naman ako sayo. Alam ko na kung bakit todo-iwas ka lately. Sinabi sakin ng kaibigan mo eh. Akala mo raw kasi crush kita. Yikes! Bakit mo naman naisip na crush kita?

Namisinterpret mo lang ata ang pagiging friendly ko sayo. Kaya pala ni Hi o Hello, hindi mo na nagawa.

Di pa nga tayo lubusang magkakakilala. One time lang tayong nagkita. Then after that, wala na. Magla-LIKE ako sa FB status mo at magrely sa tweets mo, ibig bang sabihin nun, crush na kita? Ambabaw mo, dude.

FYI lang, ang name ng crush ko ay DYLAN. Taga Iloilo siya, 6’2″ ang height, negosyante. Oh, Dylan ba ang name mo? Taga Iloilo ka ba? Negosyante ka ba? Umabot ka ba naman ng 6 feet?

HINDI.

Kaya wag kang masyadong assuming. Dahil hindi kita type at hindi ikaw yun. Gets?

Advertisements
Posted in: Me