Kumahol lang. Walang kagat.

Posted on July 24, 2011


Talo.

Excited lang talaga akong manood ng Azkals game kagabi. 11:30 ata ang start ng game nila, laban sa malalakas na mga Kuwaiti. Natulog ako nang maaga, mga alas7 ng gabi. Tapos, naka-set ang alarm ko, alas10. Kelangang matulog muna para hindi aantukin sa panonood ng game na sigurado akong aabot hanggang alasdos ng madaling araw.

Alas10 na. Nagtimpla ng kape. Pinuntahan ang live stream link.. And then, the game began.

Sa pag umpisa ng game, ayos na ayos nag grupo. Mga energetic. Meron silang “We’re here to win!”, attitude. Medyo nainis lang ako nang slight. Bakit merong tumutugtog ng drums? Hehe. Feel ko tuloy, Africa ang team na kalaban ng Azkals.. meron kasing tribal sounds in the background. Lels.

Enewei, balik sa game. Ilang goals din ang sinubukang ipasok ni striker Younghusband, pero waley. Tapos, wala ata ang magic ni Caligdong. Lagi na lang on the offensive ang Kuwait, lagi na lang sa possesion nila ang bola. Washapening? Feeling ko, tatlong Azkals lang ang naglaro kagabi… sina Angel Guirado, Jason Sabio at Niel Etheridge. Tsk

Ang sarap ng buhay ng Kuwait goalie. Pwede syang magkape muna, kung gugustuhin nya.

Ang final score, Kuwait – 3, Philippines – 0. Nakakadisappoint lang. Talo sa first game. Sana makabawi ang mga Azkals sa second match. Meron kasing dalawang World Cup Qualifying matches. So meron pang tsansa.

Sa sitwasyon ngayon, kelangang magkaroon ng 4goals ang Philippine Azkals para masiguradong qualified na sa World Cup. 4 goals. Kaya ba? Kakayanin!!!

Basta, malaking good luck na lang sa kanila. Mag alaxan Ep-Ar kasi sila, at tigil muna sa kakatahol. “All bark, no bite” kasi sila sa unang match. Dapat sa next match, matutong mangagat ang mga Azkals.. hindi lang isang beses, kundi APAT.

Advertisements
Posted in: Society