Okay po.

Posted on July 18, 2011


(In response to the last post)…..

Kinilig lang naman ako eh. Wala naman sigurong masama dun. Oo nga, para lang akong tanga –  smile lang nang smile habang nakatingin sa malayo. I really look like a silly high school girl with a crush. Eh sa tama naman kasi, crush ko nga naman yung tao.

Pero hindi ako inlab dun.

Siguro nga, I like him. Kasi, mabait naman. Responsable naman. Marunong ding makisakay sa mga biro. Marunong ding tumawa. I’m sure, marunong din yun ng mga gawaing bahay. Eh, he’s living independently na kaya.

Pero uulitin ko.. hindi ako inlab dun.

Crush nga lang, diba? At hindi nga naman masama ang magkaroon ng crush. Hindi naman bawal, diba? Eh kung kinikilig ako, wala naman sigurong masama.

Pero….

Okay na po. Naintindihan ko na talaga ang sitwasyon.

Actually, nangyari lang din to kaninang umaga. Meron lang akong naunawaan… naintindihan. Ang hirap lang magkaroon ng isang secret crush. Yung alam mo na hindi mo maaaring sabihin sa kanya kasi baka lumayo siya sayo. Yung baka kung sabihin mo, iiwasan ka na nya. And besides, he doesn’t really really, like REALLY know I exist. Oo nga, naghe-Hello naman sya sakin paminsan-minsan, pero I don’t think he really cares. Kaya you don’t have to worry na po. Crush lang naman ito. Mawawala rin ito after a few days.

Kilala mo naman ako. Mapagalitan lang ako, napapaisip ako kaagad. Madali lang akong kausap.

Advertisements
Posted in: Uncategorized