Nemen

Posted on July 16, 2011


Hoy, Leah!

Unang-una, disappointed ako sayo. Akala ko ba natuto ka na? Mukhang hindi eh. Ayan ka na naman, kinikilig. Sus! Sinasabi mo na namang inlove ka? Ambilis naman yata. Nahuhulog na ang loob mo sa kanya??

Haysus! Wag magpadalus-dalos iha.

Kilala mo na ba yun? Hindi naman eh. Alam mo ba kung anong ugali nun? Kung mabait ba? kung masipag? Responsable? Babaero? Pikon? LOYAL ba yun? TRUSTWORTHY ba yun? Alam mo na ba kung marunong magluto yun? Kung marunong magdrive? Kung marunong magpalit ng sirang bombilya? Kung marunong humawak ng martilyo’t pako?

Ilang beses palang kayo nagkausap nyan. Okay, nagkita na nga kayo nang personal pero wag ka, hindi mo nga alam kung ano yung intensyon nya sayo, ayan ka na agad. Kinikilig. Lukaret!

Mag-isip ka nga!

Advertisements
Tagged:
Posted in: Me, Rants