Ang init lang.

Posted on April 26, 2011


Damn this summer heat.

Parang gusto kong pumasok sa loob ng pridgeder at dun na lang magpalamig. Kung pupwede lang naman sana. Kaso alam ko, hindi naman ako magkakasya dun.

Ano kaya ang feeling na andun sa Canada ngayon? Meron kasi akong chat-mate sa YM.. na taga dun. Sabi nya, super lamig daw dun sa kanila. Sobrang lamig na mas gugustuhin mo na lang manatili sa loob ng bahay kesa sa lumabas pa.

Isa sa mga dream ko ay makapunta ng Canada. Ewan ko lang kung mangyayari pa yan. Pero libre lang naman mangarap. Lels.

Anyway, sabi nya sa akin, ienjoy ko raw ang summer heat. Sabi ko naman sa kanya, i-enjoy na yung cold winter. Dumating sa punto na napag-usapan naming pumunta daw ako ng Canada at maexperience yung lamig. And then, sa paguwi ko raw, sasama sya para ma-experience naman nya ang summer heat sa Pilipinas.

GO!

Pero hanggang dun lang yun. Hehe. Naglolokohan lang kami. Char!

Minsan, naisip ko rin, sana meron ding winter dito sa atin. Para naman maexperience rin ng mga tao ang snow. Gusto kong makagawa ng isang snow angel. Haay.. Eto, day-dreaming na naman ako. Hmp!

Damn this summer heat.

Advertisements
Tagged: , , ,
Posted in: Me